Nais ko lang magkwento at the same time mag labas ng sama ng loob kaya sana... Pagbigyan nio ko.
Have you ever been in love? Or maybe you thought you were in love but as time goes by everything just doesnt seem right? Or maybe you loved so bad and you gave your all until one day the one you love leaves you in tears that even up to now you still think about it?! well, MOVE on diba?! Sana nga madaling gawin gaya kung gaano kadali sabihin. Pero hindi eh diba?! Minsan napapaisip ka tuloy kung tanga ka ba, mahina ang loob mo... sa sobrang pagiisip nagseself-pity ka na. Wow ang sakit. Bakit nga ba hindi ganoon kadali maghilom ang mga sugat. Malalim siguro. For me... Malalim talaga. Imagine loving someone with all your heart to the point of almost losing your mind. I've been there.. and after what had happened ngayon ko lang naisip na napakatanga ko. Di ko namn sinasabi na di rin ako minahal kasi alam ko na for.. what?....3 years minahal din ako. Siguro dumadating na lang ang punto sa buhay na talagang nagsasawa na ang isang tao o kaya nman sa tingin niya hindi na tama ang relationship, na something are not enough talaga. Its been three years narin and i still think about it from time to time. I'm sorry if i'm not going into details mejo confidential kasi. Matagal nang panahon ang lumipas at aaminin ko na may nararamdaman parin ako para sa taong yun. Katangahan ko nga kelan lang.. sinabi ko sa knya. That night, we talked about a lot of things. We talked about what had happened, what is happening, why we are the way we are (?), what couldve been, stuffs like that. I never imagined that loving someone so intensely can change someones life. Indeed, that particular past of mine change a lot of things in me interms of my social life, my academics, my health, even my family. Thats how powerful that relationship was. Nothing can be compared to it. Do i regret what happened? I honestly dont. I am even thankful for what happened. It made my relationship with others stronger and i've learned to leave some space for myself. Napakarami kong natutunan tungkol sa pagibig at sa buhay. Minsan ganoon lang tlga, kailangang madapa ka muna ng ilang beses bago ka mamulat sa realidad ng buhay.
Mahirap magtrabaho. Mahirap gumalaw sa mundo ng ikaw lang ang magisa. Wala kang katulong at walang karamay. Higit pang nakakainis ay ang mga pagkakataong may kasama ka nga pero parang nagiisa ka parin. Hinahayaan kang ikaw lang ang kumilos at ikaw lang ang gumagawa.
Naranasan mo na bang magreport nang ikaw lang ang nagsasalita considering na ito ay isang group report? Nasa harap ka ng klase habang ang professor mo and niluluto ka na sa hrapan. Ang mga kagrupo mo naman ay di makasagot at ikaw, sumusubok paring tapatan ang talino ng professor mo. Ang iba naman ay di mkapagsalita dahil wala silang alam sa pinagsasasabi mo dahil wala silang alam sa mismong report dahil ikaw lang ang nagtrabaho. At di lang sa isang pagkakataon yun.
Kada may group work kayo ang magkakagrupo at ilan lang kayong gumagalaw. Khit walo kau sa grupo, tatlo lang kaung siyang masipag na iniisip ang maaari niyong makuhang grade. Tpos kapag natapos na ang lahat, isa ka sa magsusuffer dahil sa kakulangan ng grupo mo.
Naranaan mo na bang tumulong sa isang kaibigan na siyang lumalapit sayo kpag may kailangan siya sayo? yung tipong pag ikaw namn ang problemado ay wala siya para makiramay sau. Kahit man lang sa mga magagaang pagkakataon, yung mga gimik lang, wala siya para makasama mong magenjoy. Parang ginagamit ka lang.
Naranasan mo na bang maabuso? ng kaibigan? o ng pagkakataon? Masakit noh! Pero minsan wala na tayong magawa. Tinatanggap na lang natin an sitwasyon at nangangarap na hindi na ito mangyari muli. Pero sa kasamaang palad, kadalasan nauulit siya. Napapaisip ka tuloy... "ako ba ang mali?", Mali ba ako dahil akoy nagpapaabuso?" O sadyang ginagawa ko lang ang tama dahil pag hinayaan kong wala akong gawin ay ako rin ang magdudusa sa hulihan?".. hmmm... ano nga ba?!
Nagkalat ang mga abusado sa mundo. Marami rin ang nagpapaabuso?! ano ba ako dito?!
Mei sense ba?!
Bagong Taon na at panahon na naman para sa pagbabago. Handa nga ba tayo sa mga pagbabagong dala-dala ng taong 2005?! Ako hindi pa sigurado.
Ang nagdaang taon ay puno ng ibat-ibang emosyon para sakin. Ang daming pangyayari na masasabi kong nagpabago sa pananaw ko sa buhay. Ang dami kong natutunan at ang dami kong ring mga bagong kaibigan na nakilala sa paglalakbay ko sa taong 04. Nakakatuwa kasi di ko akalaing magagawa ko ang resolution ko nung 2004. Ni hindi ko na nga naalala kung ano man yung resolution na ginawa ko. Pagdating na lang ng bagong taon tinxt ako ng kaibigan ko (si Dane) at sinabing nagawa ko daw yung resolution ko. Ano nga ba yun? Resolution ko na ibabalik ko sa puso ko ang mga kaibigang nawala na sa buhay ko! At tama nga siya, nang hindi ko namamalayan ay nagawa ko pla ang nais kong gawin para sa 04.
Ano naman kaya ang nakalaan sa akin/sa atin para sa 2005? walang nakakaalam. Yan siguro, para sa kin, ang isa sa kagandahan ng buhay. Maraming misteryo na hindi natin kadalasang napaghahandaan pero willing naman tayong tanggapin at harapin. Malamang merong mga bagong pagsubok na dadating. Kakayanin ko kaya?! Basta't alam kong may karamay ako sa pagsubok na darating, alam kong kakayanin ko. Hindi ko naman sinasabi na aasa na lang ako sa ibang tao, masarap lang ang feeling na someones at your back to help you and tell you to keep on going and to keep on fighting ( diba batchmates!). Sa ngayon marami akong resolutions na naiisip pero handa na kaya akong isiwalat ang mga ito?! Nakakatakot kasi di ko alam kung magagawa ko ang mga ito! Ang importante sa kin ngayong taon ay magkaroon ako ng panahon para sa aking sarili. Yung tipog wla ka munang iniintindi kundi yung kaligayahan mo. Minsan kasi dumadating tau sa panahong nagpapakamartyr tau. Iniisip ang kaligayahan ng iba kahit sa ganitong sitwasyon ay di ka naman tunay na maligaya. May sense ba ko?!
Siguro ang pinakamagandang masasabi sa taong 05 ay dapat handa tayo sa kung ano mang darating sa mga buhay natin. Handa tayong harapin ng sama sama ang mga trahedya, ang mga pagsubok, ang mga luha, ang tawana, ligaya, inuman, at kung anu ano pa. Pananampalataya ang isa sa makakaramay natin sa panahong darating.
Oo nga pla, sa mga taong nakasama ko, mga kaibigan ko sa nagdaang taon, Maraming maraming salamat sa buhay na ibinahagi nio sakin. For sharing your lives to me, salamat. And I am looking forward to another great year with you guys! Happy '05
[[* LIFE IN MUSIC *]]
//visit Iwebmusic for music
[[* PAST ENTRIES *]]
|October 2004|November 2004|December 2004|January 2005|February 2005|March 2005|April 2005|May 2005|June 2005|July 2005|August 2005|September 2005|March 2006|April 2006|November 2006|December 2006|January 2007|June 2009|July 2009
[[* LINX *]]
| VAL |
| PIA |
| GOKS |
| BART |
| DANE |
| KC |
| BENIGS |
| NOY |
| MIKE |
| DENEB |
| DEBBIE |
| DEXTROSE |
| BULITAS |
| HOGI |
| AENU |
| JERI |
| KENG |
| JOHN |
| PAM |
| TON |
| JC |
| RA |
VANITY
[[*TALK to ME*]]
KaPoWE mE!