Tuesday, January 11, 2005
[[Abusado!]]
Mahirap magtrabaho. Mahirap gumalaw sa mundo ng ikaw lang ang magisa. Wala kang katulong at walang karamay. Higit pang nakakainis ay ang mga pagkakataong may kasama ka nga pero parang nagiisa ka parin. Hinahayaan kang ikaw lang ang kumilos at ikaw lang ang gumagawa.
Naranasan mo na bang magreport nang ikaw lang ang nagsasalita considering na ito ay isang group report? Nasa harap ka ng klase habang ang professor mo and niluluto ka na sa hrapan. Ang mga kagrupo mo naman ay di makasagot at ikaw, sumusubok paring tapatan ang talino ng professor mo. Ang iba naman ay di mkapagsalita dahil wala silang alam sa pinagsasasabi mo dahil wala silang alam sa mismong report dahil ikaw lang ang nagtrabaho. At di lang sa isang pagkakataon yun.
Kada may group work kayo ang magkakagrupo at ilan lang kayong gumagalaw. Khit walo kau sa grupo, tatlo lang kaung siyang masipag na iniisip ang maaari niyong makuhang grade. Tpos kapag natapos na ang lahat, isa ka sa magsusuffer dahil sa kakulangan ng grupo mo.
Naranaan mo na bang tumulong sa isang kaibigan na siyang lumalapit sayo kpag may kailangan siya sayo? yung tipong pag ikaw namn ang problemado ay wala siya para makiramay sau. Kahit man lang sa mga magagaang pagkakataon, yung mga gimik lang, wala siya para makasama mong magenjoy. Parang ginagamit ka lang.
Naranasan mo na bang maabuso? ng kaibigan? o ng pagkakataon? Masakit noh! Pero minsan wala na tayong magawa. Tinatanggap na lang natin an sitwasyon at nangangarap na hindi na ito mangyari muli. Pero sa kasamaang palad, kadalasan nauulit siya. Napapaisip ka tuloy... "ako ba ang mali?", Mali ba ako dahil akoy nagpapaabuso?" O sadyang ginagawa ko lang ang tama dahil pag hinayaan kong wala akong gawin ay ako rin ang magdudusa sa hulihan?".. hmmm... ano nga ba?!
Nagkalat ang mga abusado sa mundo. Marami rin ang nagpapaabuso?! ano ba ako dito?!
Mei sense ba?!
[[ Caloi shed the truth... ]]*|10:42 AM|