Kagabi kami ng pamilya ko ay lumabas para lumibot sa Maynila sa kalagitnaan ng gulo at traffic na dala ng kapaskuhan. Kasama ng mga katulong at ng buong pamilya at mga ka-partner ng aking mga kapatid kami'y nagsaya-saya sa ibat-ibang lugar. Pumunta kami sa intramuros para lumibot, mamili at kumain. Dumayo kami sa may Ongpin para makisalo sa isang kaibigan ng pamilya at pumunta sa may bandang Q.C. para dumalo sa isang maliit na family reunion. Napakasaya ng napakahabang gabi. Maraming nakuhang regalo at maraming mga salitang naibahagi sa mga kaibigan at kamag-anak. Ngunit di diyan nagtapos ang gabi ko.
Ibinaba ako ng pamilya ko sa may Baywalk at dun nakipagkita ako sa ilang kaibigan. Sumakay muli sa isang sasakyan patungo sa isang destinasyon na di ko alam kung saan. Matraffic... Mabagal ang daloy ng mga sasakyan. Umaalingasaw pa ang amoy ng mga pagkaing dala dala namin sa party na pupuntahan namin. Nakakagutom tuloy. Sa haba ng traffic di ko maiwasang mapatingin sa aming mga dinadaanan. Napakaraming mga taong naninirahan sa ilalim ng mga puno sa Roxas Blvd. Napakaraming nakahiga lamang sa damuhan at tinutulugan na lang ang kapaskuhan. Napakaraming pamilyang nakaupos sa isang gilid ng eskenita at sama-samang pinaghahati-hatian at kakaunting pagkaing meron sila. Nakakalungkot. Heto kaming nagpakasaya at magpapakasay pa samantalang may mga taong nililipasan na ng guton sa araw ng pasok. Napakalupit ng buhay kung ating iisipin. Kahit anong gawin ng mga taong ito, wala silang magagawa dahil ito ata ang tinadhana sa kanila ng buhay.
Nagulat na lang ako ng bigala kaming lumiko sa isang kalsada.Tumigil sa isang empty parking lot at doon bumaba ang isa naming kasama. Dala-dala ang kanyang potluck na pagkain sa party, pinunthan niya ang ilang taong nakatambay sa ilalim ng puno at ibinigay ang kakaunting maibabahaging pagkain. Lumundag ang puso ko at dahan dahang namuo ang tila parang mga crystal na tubig sa aking mga mata. Isa-isa kaming bumaba at nagbahagi ng aming kayang iabot sa mga pamilyang nsa mg kalsada, eskenita at kailaliman ng puno. Sabay-sabay lahat na nagkainan sa ilalim ng puno sa may Roxas Blvd. Hindi ko alam kung pano nangyari yung ginawa namin, nagulat na lang ako dahil sa haba ng panahon kong kasama yung mga kaibigan kong yon, kahit kailan di ko sila nakasama sa ganitong napakasarap na pagkakataon.
Bakas ang ligaya sa mga pamilyang sinaluhan namin at bakas din ang tuwa sa mga mukha ng aking mga kaibigang nagbahagi ng konting piraso ng kanilang buhay. Ngunit bago pa man namin puntahan ang mga taong ito, kahit papaano ay kita mo sa kanilang mata ang ligay na dala ng kapaskuhan. Di na siguro mahalaga ang regalong matatanggap, ang pagkaing kakainin o ang mga dekorasyong isinasabit. Ang mahalaga ay sinong kasama mo sa mga panahong tulad nito at ang kagandahang loob na likas na nasayo sa pagdiwang ng Pasko.
Pagkatapos ng ilang oras, Kami'y umalis at nagpaalam sa aming mga natulungan. Nagtext kami sa dapat na pupuntahang party at nagsabing di na kami makakadating. Parang di na mahalaga ang pagpunta namin sa party, di dahil wala na kaming pagkaing ibabahagi sa party ngunit dahil ang ligayang makukuha namin sa pupuntahang salu-salo ay kahit kailanng di makakatumbas sa ligayang natamo naming sa party sa ilalim ng puno.
I just wanted to share a very short story I read which truly moved me to tears... Hope you guys like it.
HE NEVER MISSED A GAME
By: Robert H Schuller
The story is told of a boy who always had to settle for second-string position. Yet his father never missed a game. After his father's death, the son, with tears in his eyes, said, "Coach, please let me start tonight. I want to play for my Dad."
The coach, knowing that the boy's dad never missed a game, agreed. The young man's performance on the field astounded the coach. When asked to explain his phenomenal level of acheivement, he said," Coach, I explained that one for Dad. My father never missed a game, but he never saw me play - until tonight! You see, coach, my father was blind."
Its such a nice story. The father never made his lack of sight a reason not to be with his son or a reason not to cheer for his son despite his son's second-string position. Its amazing how love can surpass boundaries. Love can truly make the blind see or even can make the deaf hear. Hindrances is only in the mind. As long as there is the passion and love for what you want, these hindrances can be destroyed.
aus diba pang album cover... dadating din kami jan... hopefully. Our acapella group, "The Bystanders", has been making music for two and a half years already. we started sa pagtambay lang sa classroom while jamming and blending our voices. and with that the bystanders was born. Then we were asked to sing for this event. we had no name pa nga nung time na un. Sabi pa namin "Sixbomb" na lg since there were 6 of us. We've been to a lot of events in and out of the school. For tv shows, concerts, school events and stuff. Although sometimes we dont get paid, its ok coz i guess were doin it for the love of the music.
Marami na ring napagdaan ang grupo. May tumiwalag, may nagaway, may kinaiinisan pero khit papano we continue blending naman. we try to be professional sa inagawa namin. Mahirap, Oo. Coz we have school and other extra curricular activities so we dont have much time for practices. And I'm telling you, mahirap talaga magpractice in an acapella group. You have to arrange the songs and think of the voices pa. Pero pag tulong tulong naman we get to accomplish the songs we want to sing.
Nakakatuwa pa kasi now we have a counterpart na. May naform narin na all girl acapella group in our class din. Sometimes all of us sing together. And astig grabe.
We love what we do and pakiramdam namin we'll be doin this for a very long time regardless na we get a recording contract or not. A lot of managers has approached us and wants to handle us, unfortunately most of us wants to concentrate on studies muna. Oh well. Siguro its not yet our time.
But more than anything I value the friendship I have with these guys. Khit may differences ang iba samin still i appreciate their presence in my life.
*pasensya na. wala na kong malagay sa blog. hehehe
* Nais ko lang maglabas ng sama ng loob... Pagbigyan nio ko
May mga pagkakataon sa buhay natin na talagang sinusubukan ang pasensya natin. Minsan nakakayanan natin. Minsan naman ay hindi. Gaya ng mga pagkakataong naghihintay tayo sa mga taong wala talaga sa oras kung dumating. Usapan alas otso dadating alas nwebe y medya. Aus diba. Pero aus lang. Minsan naman gustong gusto na natin lumabas sa classroom para makapag-yosi pero ito namang teacher niyo sige parin ang dakdak tungkol sa napaka-boring na leksyon. Hay maraming mga pagkakataong ganito talaga.
Pero para sakin ang nakakapikon ay ang mga taong talagang sinusubukan ang pasenya mo. Nakikisama ka nang mabuti. Concerned ka sa mga nagyayari sa kanya. Kinakamusta mo siya ng madals pero ito pala siyang sinasaksak ka na sa likod. Hinayaan mo. Di mo pinancin. Wala kang kibo dahil di ka naman dpat tlgang magpaapekto dhil wala rin namang naniniwala sa knya.
Pero anong gagagawin mo pag isang araw pinalala niya ang sitwasyon. Tumahimik ka na nga ikaw pa 'tong mali. Wala ka na ngang kibo ikaw pa 'tong sinaraan pa lalo. Nakapikon diba. Pinagpasensyahan mo na't lahat lahat ng ginagawa niya dadagdagan pa niya. eh aus pla siya dba. Yan ang taong nakakabaliw.
Nkakasama ng loob kasi all the time you thought aus kayo! Pinakisamahan mo siyaa at tinratong kaibigan sabay ganyan lang ang igaganti sayo. Ako, na isang pasensyosong tao pagdating sa ganyan, ay di rin martyr. Lalaban kung lalaban. Ang malala pa sa sitwasyon ika w na ang na-jahe ikaw pa ang aawayin.
Tumahimik ka na. Walang ginawa. Sbay isang gabi makakakuha ka ng message sa taong ito na galit na galit sayo ng walang dahilan! ang lahat ng kanyang pinagsasasabi ay walang basehan. Tama ba namn yun?! Nang damay pa siya ng ibang kaibigan mo. Aba away na to diba?! Pero dahil nga pasensyoso ako iintindihin ko muna aalamin ang totoong dahil... at ngayon nalaman ko na... Pagseselos! tama ba yun?! Lahat ng binulong niya sa ibang tao, lahat ng paninirang ginawa, lahat ng sakit at sama ng loob na dinulot ng pagsasalita niya ay wala plang katotohanan. Tinago pla ang totoong dahilan. Duwag ang tao para di umamin. Kung sa bagay mahirap ang aaminin niya na kelan lang nadiskubre namin. Mahirap lumabas sa kinatataguan niya. Pero ito lang ang masasabi ko! Lumabas ka na ng makahinga ka. tatanggapin ka naman ng ato wag ka lang manira at mangdamay para lang maipakita o maiparamdam ang gusto mo.
Mahirap magalit! ayokong magalit. Ako pasensyoso pero hindi manhid o martir. Lumipas sana. Ayoko masira kung ano ang meron ako at ang mga tao sa paligid ko nang dahil lang sa isang taong walang ibang gusto kundi manira at manggulo.
Ano na lang kaya ang mangyayari sa kanya?! Bahala na si Lord sayo.
I just thought of making an entry dedicated to my PRM batchmates. La lang all of a suden naisip ko sila and how we've come a long way. Ang iba samin di naman talaga magkakaibigan simula nung umpisa, sa movement na lang naging mag close. Ang iba naman magkakabarkada na nung highschool pa, ang iba magkakakila pero di naman gaanong nagpapansinan noon. Pero a magical thing happened once nagsama-sama kami sa PRM. Parang instant bonding. We dont know how it happened but thank God it did coz ngayon i dont think i could call my life as life if wala ang mga batchmates na ito sa buhya ko na kasama ko sa kalungkutan, kalookohan, kasiyahan at kung ano ano pang ka---han. Alam na namin more or less ang ugali ng isa't-isa pero minsan di naman maiiwasan ang magkatampuhan (master ako niyan). Pero ganyan talaga sa isang pamilya. Its not a bed of roses ika nga! We live not in a fantasy world full of peace and pleasure but we do live in lifes reality and thats what truly makes it life.
Sabi samin ng mga tao bilib daw sila sa batch namin. Bakit kaya? kasi bonded kami? kasi nagtutulungan? I really dont know the answers to those questions pero for me tunay akong proud sa batchmates ko!
Si BART... ang kasama ko sa unang palang na akyat as an aspi. Astig kasama! Music talaga! mhal nia ang ginagawa nia kyat mhal din siya ng ginagawa nia. When she sings parag tatahimik na lng ang buong lugar ang all you could hear is the angelic sound of her voice. Nagkatampuhan na kami nito minsan kasi patawa na masyado pero la namang problemang di namin inaayos when it comes to the two of us. Maasahan ko yan at ako gamay ko na ugali nian lalo na ang pagiisip nia sa lovelife.. diba?! for some odd reason alam ko na kung sino ung guy na sinasabi niya even before sabihin niya sakin.
Si DARYLL... we go way back pa nung nursery. eto nagtampo na din sakin to. Samin na lng siguro yun kung bakit. Malufet tong kitchen head. I never questioned his commitment to the movement kasi umpisa pa lng alam mo nang tatagal siya! dedicated siya to what he does and puts his heart in everything! minsan rebellious nga lang masyado! Nagpapasalamat ako dito dahil kadalasan pag najajahe ako pinagtatanggol niya sa abot ng makakaya nia and alam niyang ganun din naman ako sa knya.
Si DANE... ang music wanabee.. na pwede naman daw talaga! unang akyat pa lng niya sabi ko na kay ate reg.. "Pwede tong mag head" Metikoloso at pulido. Makulit nga lang pagnkainom. Kawawa kami ni bart dito. hehehe! diba? pero itong tao na to ka-clos ko na 1st year highschool pa. away bati pa nga kami eh! pero nalampasan na namin un! He is one of the friends i trust the most if not the one i truly trust. Lahat nasasabi ko dito nang di nag-aalala kung anong magiging reaction niya. Totoo siya sakin at sa mga tao sa paligid niya!
Si BRY... Ang dorm head na malufet. Ika nga ni Dax talagang one of the best daw si bry mag-head ng dorm. Nung una kala ko di ko to makakasundo. Grade school pa lng kasi magkakilala na kami pro we never really got to be close. dito lng talaga sa PRM. Si bry aus magtrabaho. Ever hearthrob ng batch namin kahit naman noon pa. Pero ang nakakatuwa sa kanya ay di naman lumalaki ulo nia sa dami ng ppol that admires him. At eto si bry... pag antok na wag mo nang kulitin o kausapin kasi nkakatakot! ang sungit niya! pero once naka bawi na ng tulog aus na yan! on the go na ulit.
Si KARL... busy siya ngaun with thesis ata and OJT pero its ok! pag nanjan naman siya todo buhos sa trabaho para kay Superfriend and he never forgets yung mga taong kasama niya sa PRM. Ang gusto ko kay karl ay makulit siya! pag kumanta yan aus din! Bakt**g yan pag fit ang shirt! parang ako! ahahaha! Pero aus kaibigan si karl. Masarap kasama and seryoso pag kailangan.
Si ROSE... ang nanay ko! Masungit tignan sa umpisa pero shes one of the sweetest gurls i know. Sobrang grabe yan pag nakinig sau and she gives great advice. Tahimik kung minsan at paranoid pero ok lng. Ive known her for such a long time already and kilalang kilala ko na yan! minsan magulo lovelife pero all good parin sa friends.
Si TOPET...parang kabute na bigla na lang sumusulpot. pero kahit paminsan-minsan lang magpakita aus parin kasi alam naman natin kung paano siya magtrabaho! May pagka chick boi din to pero di naman masyado! Makulit pag kinulit at seryoso pag sineryoso! And hes very friendly. At di niya kinakalimutan na batiin ka everytime he sees you sumwer. Di suplado!
Nakakalungkot na sa dami ng sumali sa batch namin ay itong mga tao na lng na ito and SOBRANG active. Oh well siguro na-sala lang talaga. Pero the good thing about this batch is kahit konti lang ang natira, we still work as if marami kami and we try to work as one. Di ko na talaga ma-imagine ang buhay na walang Bart, Daryl, Dane, Bryan, Karl, Rose at Topet. Kulang na kulang. Sori kung baduy ang entry kO! la lang naisip ko lng kau! :) Ciao
[[* LIFE IN MUSIC *]]
//visit Iwebmusic for music
[[* PAST ENTRIES *]]
|October 2004|November 2004|December 2004|January 2005|February 2005|March 2005|April 2005|May 2005|June 2005|July 2005|August 2005|September 2005|March 2006|April 2006|November 2006|December 2006|January 2007|June 2009|July 2009
[[* LINX *]]
| VAL |
| PIA |
| GOKS |
| BART |
| DANE |
| KC |
| BENIGS |
| NOY |
| MIKE |
| DENEB |
| DEBBIE |
| DEXTROSE |
| BULITAS |
| HOGI |
| AENU |
| JERI |
| KENG |
| JOHN |
| PAM |
| TON |
| JC |
| RA |
VANITY
[[*TALK to ME*]]
KaPoWE mE!