* Nais ko lang maglabas ng sama ng loob... Pagbigyan nio ko
May mga pagkakataon sa buhay natin na talagang sinusubukan ang pasensya natin. Minsan nakakayanan natin. Minsan naman ay hindi. Gaya ng mga pagkakataong naghihintay tayo sa mga taong wala talaga sa oras kung dumating. Usapan alas otso dadating alas nwebe y medya. Aus diba. Pero aus lang. Minsan naman gustong gusto na natin lumabas sa classroom para makapag-yosi pero ito namang teacher niyo sige parin ang dakdak tungkol sa napaka-boring na leksyon. Hay maraming mga pagkakataong ganito talaga.
Pero para sakin ang nakakapikon ay ang mga taong talagang sinusubukan ang pasenya mo. Nakikisama ka nang mabuti. Concerned ka sa mga nagyayari sa kanya. Kinakamusta mo siya ng madals pero ito pala siyang sinasaksak ka na sa likod. Hinayaan mo. Di mo pinancin. Wala kang kibo dahil di ka naman dpat tlgang magpaapekto dhil wala rin namang naniniwala sa knya.
Pero anong gagagawin mo pag isang araw pinalala niya ang sitwasyon. Tumahimik ka na nga ikaw pa 'tong mali. Wala ka na ngang kibo ikaw pa 'tong sinaraan pa lalo. Nakapikon diba. Pinagpasensyahan mo na't lahat lahat ng ginagawa niya dadagdagan pa niya. eh aus pla siya dba. Yan ang taong nakakabaliw.
Nkakasama ng loob kasi all the time you thought aus kayo! Pinakisamahan mo siyaa at tinratong kaibigan sabay ganyan lang ang igaganti sayo. Ako, na isang pasensyosong tao pagdating sa ganyan, ay di rin martyr. Lalaban kung lalaban. Ang malala pa sa sitwasyon ika w na ang na-jahe ikaw pa ang aawayin.
Tumahimik ka na. Walang ginawa. Sbay isang gabi makakakuha ka ng message sa taong ito na galit na galit sayo ng walang dahilan! ang lahat ng kanyang pinagsasasabi ay walang basehan. Tama ba namn yun?! Nang damay pa siya ng ibang kaibigan mo. Aba away na to diba?! Pero dahil nga pasensyoso ako iintindihin ko muna aalamin ang totoong dahil... at ngayon nalaman ko na... Pagseselos! tama ba yun?! Lahat ng binulong niya sa ibang tao, lahat ng paninirang ginawa, lahat ng sakit at sama ng loob na dinulot ng pagsasalita niya ay wala plang katotohanan. Tinago pla ang totoong dahilan. Duwag ang tao para di umamin. Kung sa bagay mahirap ang aaminin niya na kelan lang nadiskubre namin. Mahirap lumabas sa kinatataguan niya. Pero ito lang ang masasabi ko! Lumabas ka na ng makahinga ka. tatanggapin ka naman ng ato wag ka lang manira at mangdamay para lang maipakita o maiparamdam ang gusto mo.
Mahirap magalit! ayokong magalit. Ako pasensyoso pero hindi manhid o martir. Lumipas sana. Ayoko masira kung ano ang meron ako at ang mga tao sa paligid ko nang dahil lang sa isang taong walang ibang gusto kundi manira at manggulo.
Ano na lang kaya ang mangyayari sa kanya?! Bahala na si Lord sayo.
[[* LIFE IN MUSIC *]]
//visit Iwebmusic for music
[[* PAST ENTRIES *]]
|October 2004|November 2004|December 2004|January 2005|February 2005|March 2005|April 2005|May 2005|June 2005|July 2005|August 2005|September 2005|March 2006|April 2006|November 2006|December 2006|January 2007|June 2009|July 2009
[[* LINX *]]
| VAL |
| PIA |
| GOKS |
| BART |
| DANE |
| KC |
| BENIGS |
| NOY |
| MIKE |
| DENEB |
| DEBBIE |
| DEXTROSE |
| BULITAS |
| HOGI |
| AENU |
| JERI |
| KENG |
| JOHN |
| PAM |
| TON |
| JC |
| RA |
VANITY
[[*TALK to ME*]]
KaPoWE mE!