Bagong Taon na at panahon na naman para sa pagbabago. Handa nga ba tayo sa mga pagbabagong dala-dala ng taong 2005?! Ako hindi pa sigurado.
Ang nagdaang taon ay puno ng ibat-ibang emosyon para sakin. Ang daming pangyayari na masasabi kong nagpabago sa pananaw ko sa buhay. Ang dami kong natutunan at ang dami kong ring mga bagong kaibigan na nakilala sa paglalakbay ko sa taong 04. Nakakatuwa kasi di ko akalaing magagawa ko ang resolution ko nung 2004. Ni hindi ko na nga naalala kung ano man yung resolution na ginawa ko. Pagdating na lang ng bagong taon tinxt ako ng kaibigan ko (si Dane) at sinabing nagawa ko daw yung resolution ko. Ano nga ba yun? Resolution ko na ibabalik ko sa puso ko ang mga kaibigang nawala na sa buhay ko! At tama nga siya, nang hindi ko namamalayan ay nagawa ko pla ang nais kong gawin para sa 04.
Ano naman kaya ang nakalaan sa akin/sa atin para sa 2005? walang nakakaalam. Yan siguro, para sa kin, ang isa sa kagandahan ng buhay. Maraming misteryo na hindi natin kadalasang napaghahandaan pero willing naman tayong tanggapin at harapin. Malamang merong mga bagong pagsubok na dadating. Kakayanin ko kaya?! Basta't alam kong may karamay ako sa pagsubok na darating, alam kong kakayanin ko. Hindi ko naman sinasabi na aasa na lang ako sa ibang tao, masarap lang ang feeling na someones at your back to help you and tell you to keep on going and to keep on fighting ( diba batchmates!). Sa ngayon marami akong resolutions na naiisip pero handa na kaya akong isiwalat ang mga ito?! Nakakatakot kasi di ko alam kung magagawa ko ang mga ito! Ang importante sa kin ngayong taon ay magkaroon ako ng panahon para sa aking sarili. Yung tipog wla ka munang iniintindi kundi yung kaligayahan mo. Minsan kasi dumadating tau sa panahong nagpapakamartyr tau. Iniisip ang kaligayahan ng iba kahit sa ganitong sitwasyon ay di ka naman tunay na maligaya. May sense ba ko?!
Siguro ang pinakamagandang masasabi sa taong 05 ay dapat handa tayo sa kung ano mang darating sa mga buhay natin. Handa tayong harapin ng sama sama ang mga trahedya, ang mga pagsubok, ang mga luha, ang tawana, ligaya, inuman, at kung anu ano pa. Pananampalataya ang isa sa makakaramay natin sa panahong darating.
Oo nga pla, sa mga taong nakasama ko, mga kaibigan ko sa nagdaang taon, Maraming maraming salamat sa buhay na ibinahagi nio sakin. For sharing your lives to me, salamat. And I am looking forward to another great year with you guys! Happy '05
Comments:
[[* LIFE IN MUSIC *]]
//visit Iwebmusic for music
[[* PAST ENTRIES *]]
|October 2004|November 2004|December 2004|January 2005|February 2005|March 2005|April 2005|May 2005|June 2005|July 2005|August 2005|September 2005|March 2006|April 2006|November 2006|December 2006|January 2007|June 2009|July 2009
[[* LINX *]]
| VAL |
| PIA |
| GOKS |
| BART |
| DANE |
| KC |
| BENIGS |
| NOY |
| MIKE |
| DENEB |
| DEBBIE |
| DEXTROSE |
| BULITAS |
| HOGI |
| AENU |
| JERI |
| KENG |
| JOHN |
| PAM |
| TON |
| JC |
| RA |
VANITY
[[*TALK to ME*]]
KaPoWE mE!