Sunday, December 26, 2004

[[Pasko para sa lahat!]]


Kagabi kami ng pamilya ko ay lumabas para lumibot sa Maynila sa kalagitnaan ng gulo at traffic na dala ng kapaskuhan. Kasama ng mga katulong at ng buong pamilya at mga ka-partner ng aking mga kapatid kami'y nagsaya-saya sa ibat-ibang lugar. Pumunta kami sa intramuros para lumibot, mamili at kumain. Dumayo kami sa may Ongpin para makisalo sa isang kaibigan ng pamilya at pumunta sa may bandang Q.C. para dumalo sa isang maliit na family reunion. Napakasaya ng napakahabang gabi. Maraming nakuhang regalo at maraming mga salitang naibahagi sa mga kaibigan at kamag-anak. Ngunit di diyan nagtapos ang gabi ko.
Ibinaba ako ng pamilya ko sa may Baywalk at dun nakipagkita ako sa ilang kaibigan. Sumakay muli sa isang sasakyan patungo sa isang destinasyon na di ko alam kung saan. Matraffic... Mabagal ang daloy ng mga sasakyan. Umaalingasaw pa ang amoy ng mga pagkaing dala dala namin sa party na pupuntahan namin. Nakakagutom tuloy. Sa haba ng traffic di ko maiwasang mapatingin sa aming mga dinadaanan. Napakaraming mga taong naninirahan sa ilalim ng mga puno sa Roxas Blvd. Napakaraming nakahiga lamang sa damuhan at tinutulugan na lang ang kapaskuhan. Napakaraming pamilyang nakaupos sa isang gilid ng eskenita at sama-samang pinaghahati-hatian at kakaunting pagkaing meron sila. Nakakalungkot. Heto kaming nagpakasaya at magpapakasay pa samantalang may mga taong nililipasan na ng guton sa araw ng pasok. Napakalupit ng buhay kung ating iisipin. Kahit anong gawin ng mga taong ito, wala silang magagawa dahil ito ata ang tinadhana sa kanila ng buhay.
Nagulat na lang ako ng bigala kaming lumiko sa isang kalsada.Tumigil sa isang empty parking lot at doon bumaba ang isa naming kasama. Dala-dala ang kanyang potluck na pagkain sa party, pinunthan niya ang ilang taong nakatambay sa ilalim ng puno at ibinigay ang kakaunting maibabahaging pagkain. Lumundag ang puso ko at dahan dahang namuo ang tila parang mga crystal na tubig sa aking mga mata. Isa-isa kaming bumaba at nagbahagi ng aming kayang iabot sa mga pamilyang nsa mg kalsada, eskenita at kailaliman ng puno. Sabay-sabay lahat na nagkainan sa ilalim ng puno sa may Roxas Blvd. Hindi ko alam kung pano nangyari yung ginawa namin, nagulat na lang ako dahil sa haba ng panahon kong kasama yung mga kaibigan kong yon, kahit kailan di ko sila nakasama sa ganitong napakasarap na pagkakataon.
Bakas ang ligaya sa mga pamilyang sinaluhan namin at bakas din ang tuwa sa mga mukha ng aking mga kaibigang nagbahagi ng konting piraso ng kanilang buhay. Ngunit bago pa man namin puntahan ang mga taong ito, kahit papaano ay kita mo sa kanilang mata ang ligay na dala ng kapaskuhan. Di na siguro mahalaga ang regalong matatanggap, ang pagkaing kakainin o ang mga dekorasyong isinasabit. Ang mahalaga ay sinong kasama mo sa mga panahong tulad nito at ang kagandahang loob na likas na nasayo sa pagdiwang ng Pasko.
Pagkatapos ng ilang oras, Kami'y umalis at nagpaalam sa aming mga natulungan. Nagtext kami sa dapat na pupuntahang party at nagsabing di na kami makakadating. Parang di na mahalaga ang pagpunta namin sa party, di dahil wala na kaming pagkaing ibabahagi sa party ngunit dahil ang ligayang makukuha namin sa pupuntahang salu-salo ay kahit kailanng di makakatumbas sa ligayang natamo naming sa party sa ilalim ng puno.

[[ Caloi shed the truth... ]]*|8:58 PM|

Comments:

wow.. ansarap ba ng feeling. ang mga pamilyang naninirahan sa pinakasuluksulukan ng malawak na kagandahan.. ang mga pamilyang kng pwde lng itigil ang panahon ng pasko dahil wala silang pang pasko. nde importante kng saan magpapasko, ilan ang regalo at kng ano ang handa pra sakanila.. ang importante ay kng mei makakain cla sa araw na iyon. kng kakayanin pa ba nilang magtagal ng isa pang pasko.. hanga ako sa gnawa nio.. konti lng ang mga taong ganyan! galeng!!
 
Post a Comment

<< Home

[[*KNOW ME*]]


Name:Caloi Suzara
Bdae:Oct. 15
Nicks:Caloi
Skool:San Beda College Alabang
Contact:...

[[* LIFE IN MUSIC *]]


Artist: The Bystanders
Song:

//visit Iwebmusic for music

[[* PAST ENTRIES *]]

|October 2004|November 2004|December 2004|January 2005|February 2005|March 2005|April 2005|May 2005|June 2005|July 2005|August 2005|September 2005|March 2006|April 2006|November 2006|December 2006|January 2007|June 2009|July 2009

[[* LINX *]]

| VAL |
| PIA |
| GOKS |
| BART |
| DANE |
| KC |
| BENIGS |
| NOY |
| MIKE |
| DENEB |
| DEBBIE |
| DEXTROSE |
| BULITAS |
| HOGI |
| AENU |
| JERI |
| KENG |
| JOHN |
| PAM |
| TON |
| JC |
| RA |




VANITY


[[*TALK to ME*]]



KaPoWE mE!


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com