Naranasan mo na ba yung tipong lumalaban ka sa isang pagkakataon na kinakailangang mong magsalita. Laban ka nang laban ngunit walang nangyayari sapagkat di napapakinggan ang munting boses mo. Sino ka ba naman para pakinggan ng tao? Hindi ka naman sikat. Hindi ka naman importanteng tao sa institusyon kung nasan ka. Bakit ka nga naman pakikinggan diba?
Kahit nais mo lang tumulong at ipaglaban ang nakararami minsan ang bulong ng iyong boses ay di sapat para pakinggan ng mga taong nsa mataas na level ng palapag sayo. Kung mahina ang loob mo, susuko ka na lang sa pagkakataong ito at uupo na lamang sa isang tabi habang pinapanood ang mga pangyayaring sa tingin mo/niyo ay di nararapat.
Kung malakas naman ang loob mo ay susugod ka lang sa laban nang di na bulong ang dala kundi sigaw upang ipaglaban ang iyong saloobin at ang saloobin ng iba.
Pero kung "wala" ka sa paningin ng iba paano mo nag ito gagawin? Paano mo iparirinig ang boses na ni minsan di pinakinggan ng tao? Ang sakit noh. Siguro di naman ito nangyayari palagi ngunit kahit man lang isang beses sa buhay natin ay naramdaman o mararamdaman natin na parang walang kwenta ang opinion natin o ang tinig natin. Kung dumadating man ang ganyang pagkakataon bakit hindi tayo lumaban ngunit hindi sa paraang di kanais-nais ngunit sa paraan mas malakas, mas dinig at sa paraang nakakasiguro tayo na may katwiran ang ating sasabihin.
"Ang isang munting tinig na bihirang pakinggan ang kadalasan siyang pinaka may katwiran" -CALOI
Comments:
[[* LIFE IN MUSIC *]]
//visit Iwebmusic for music
[[* PAST ENTRIES *]]
|October 2004|November 2004|December 2004|January 2005|February 2005|March 2005|April 2005|May 2005|June 2005|July 2005|August 2005|September 2005|March 2006|April 2006|November 2006|December 2006|January 2007|June 2009|July 2009
[[* LINX *]]
| VAL |
| PIA |
| GOKS |
| BART |
| DANE |
| KC |
| BENIGS |
| NOY |
| MIKE |
| DENEB |
| DEBBIE |
| DEXTROSE |
| BULITAS |
| HOGI |
| AENU |
| JERI |
| KENG |
| JOHN |
| PAM |
| TON |
| JC |
| RA |
VANITY
[[*TALK to ME*]]
KaPoWE mE!