Thursday, September 08, 2005
[[KAHIMLAYAN]]
Sa Kandungan ng liwanag
Doo'y nakaratay ang kaluluwa
ng nawawalang isipan
ng pag-ibig na nasawi
Hindi maipaliwanag ang pagkahimlay
ng pusong nagdurugo
nang dahil sa pagkakataong
kailan ma'y di naman naging akin
Kalokohan lahat ng pakiramdam
Bakit pa kailangang madaanan?
Ang paghihirap ng kalungkutan
at ng kalupitan ng panahon.
Minsan ba'y di mo naisip
ang kasakiman ng tadhana.
Pilit nitong hinihila
ang kaluluwa ng puso mo pababa.
Tama na ang kaguluhang ito
Ibangon mo sa pagkaratay
ang pusong pwedeng mabuhay.
Lumikha ka ng bagong pagkakataon
at sundin ang sarili mong tadhana.
-CARLO SUZARA
[[ Caloi shed the truth... ]]*|10:10 AM|
1 comments
Wednesday, September 07, 2005
[[Insomnia2]]
here i go again... Writing about some shitty nonsense stuff... what can i say for tonight??
Ive been dwelling on a couple of things tonight.... 1st off... my thesis.. Wow pare ang hirap.. Stress kung stress tlga. But its a good thing ive finished the revisions i/we gotta make. Now i have to think about how were gona defend this i-dont-know-what topic. i dont even know if our topic makes sense to other people. I dunno... I guess its because me and my groupmates are the types who really think differently. Who goes out of the box to prove a simple thing is in existence. To show people how being different can truly be a good thing. I give my salutes to my thesis mates.. Aus sila magisip... Kakaiba.. kawave ko!
wait lng... nagiisip ako... inaantok na ba ko?!
........
di parin...Im starting to wonder if I really am ready to graduate?! what life would be in store for me once i get that diploma and once i start applying for work?! What work would i apply for?! Will i still get to see my friends?! Will my social life still be as active as it is now?! EXCITING!!! thats life.. puno ng misteryo tlga... nakaktuwa.. pero nakakatakot din..haaayyyy...
.......
Pero kung minsan sa sobrang misteryoso ng buhay nakakainis na.. Gaya minsan... di mo inaasahan mei kagulong darating... Tahimik ang buhay mo... masaya ka ngunit bigla na lng may manlilito sa isip at puso mo. Gets mo ba?! hay kay hirap... Ang hirap mahalin ng buhay... lalo na kung ang buhay mo ay di pa dapat mahalin. gets mo?! (sa mga nagiisip...un na un)
ang sakit sa ulo..itulog ko na lng kaya ito...
ndi rin...
pero wala na akong masabi kaya hanggang sa muli... kaibigan.. mag-usap tau.. :))hehe
[[ Caloi shed the truth... ]]*|12:58 AM|
0 comments
Sunday, September 04, 2005
[[Insomnia]]
Astig.. kay ganda ng mga kulay... Nagdidilim na ang panahon at paningin ngunit may kakaunting sinag na nakikita. Kulay dilaw?! ilaw?! ayan tuloy minulat muli ang mga mata at tuluyan na namang di makapikit.
Ano nga bang pwedeng gawin?! makinig sa cd ko?! Blowers daughter?! Aus un?! cge lng... Chill ito.. ngunit di parin ako makatulog. Tpos type pa ako ng type dtio sa maingay kong keyboard eh mei taong iba dito sa kwarto ko.. nkakahiya. Nkakatulog kaya siya sa mumunting ingay na dulot ko. Sana hindi rin.. ahahaha para may kasalo.
Sarap nga ng may kasalo noh... Ito ako ngayon.. mei katext... ang sarap umibig. Pero masaklap umibig sa bawal... masakit. Isa ba yan sa mga rason kung bakit di ako makatulog?! Siguro nga. Siya kasi eh.. ayaw pa ko patulugin.. hehe.
Ikaw kaibigan kamusta naman ang tulog mo?! Tulog ka ba buong buhay mo na walang ginawa kundi maglaway at magpaksawa sa kama. Buti na lng ako hindi. Pero sa kabilang dako, wala namang tigil ang utak ko sa kaiisip ng bgay bgay na ngpapagulo lamang sa kaguluhan ng buhay ko.. Lecheng insomia to. Mag-gatas ka.. WALA. Magbilang ng tupa... WALA. MagVs.. hmmmm wala na rin.. dependency na ba ito. Naging dependent na ba ko sa mga kuliglig, sa tahimik na ihip ng hangin, sa mapangakit na liwanag ng buwan..
Tignan mo.. subukan mo lumabas at magmasid lang... ang sarap. Parang tulog ka kahit gising. Yan ang mga bagay na di mo nararanasan kpag sumikat na ang araw at nagsimula nang umandar and oras ng tao. Kagulo na naman.
Anong oras na ba?! di ko na alam.. Basta kay raming naiisip... kay raming dapat isipin... Kagulo man ang nasulat ko dito alam ko sa akin may kahulugan ito kaya kayo... WAg nA KauNg MakiaLam!!! kidding ;) peace tau mga chong.
Masarap lng ang paminsan minsang nagmamasid ka sa kadiliman at katahimikan ng paligid.. Magising ka sa iyong panaginip... batiin ang kapayapaan ng gabi... subukan mo kaibigan. Kay sarap! :)
[[ Caloi shed the truth... ]]*|11:46 PM|
1 comments