Monday, April 10, 2006

[[A Bums Life]]

Ilang linggo palang ang nkakalipas mula nang ako'y mag-graduate. Maraming natuwa noong akoy nagtapos. MAraming nagsabi nang.. Hay salamat gumraduate ka rin. Kahit ako nasabi ko ang mga katagang un sa aking sarili. Akala ko nga wala nang makakapagpigil ng tuwang nadarama ko nung mga panahon na yun. Ilang araw ang nkalipas, masaya parin.. dumaan ang Gradball, ang post grad party and mga kaarawan ng ilang kaibigan.. ang pagtambay sa ibat ibang lugar, TULOY ANG LIGAYA! hep hep hep! hindi pla..Namulat ako bigla sa katotohanan na kinakailangan ko nang magtrabaho. Ngunit ano nga ba ang gusto kong pasukin? Alam ko kung ano, ngunit napakahirap tlgang maghanap ng ganung klaseng trabaho. Hindi biro maghanap ng trabaho sa bansang tulad ng sa atin. Naaalala ko pa, nung nakaraang taon, niloloko ko pa ang ilang kaibigan ko na "bum" na maghanap na ng trabaho. Ang hirit ko nga PWEDENG MAGKATRABAHO OH! Tapos ngayon ako na ang hinihiritan nila.. Gaya nung ilang araw na ang nakalipas.. ang status ko sa ym ay JOB HUNTING SUCKS.. Nataong nakita ng kaibigang minsan ay nahiritan ko (ngayon may trabaho na siya) Ayun ako tuloy ang naasar. hehehe
Ang hirap talagang mabuhay sa bansang ito na mababa na nga ang sweldo, kay hirap pang maghanap ng trabahong tutugma talaga sa nais mo. Maraming nagsasabing mag call center ako.. Ayos lang naman ngunit di ako nag-aral ng apat na taon ng kurso ko para lang maging isang malupit na call center agent. Id like to think that I am so much better than that. Sa ngayon magsusumikap muna akong pasukin ang field na gusto ko ngunit kung walang choice.. eh di mag-call center. Sa panahon nga ngayon sabi ng nanay ko.. di ka na dapat mamili. Kailangan nang maging practical ngunit mei mga pagkakataong darating na ang gusto mong marating ay kusang dadating, so why not give evrything a try, give destiny a chance dba.. malay mo matapos din ang pagka-bum ko.. malay mo.. sana

[[ Caloi shed the truth... ]]*|3:08 PM|

Comments:

mahirap tlga ang buhay bagong graduate.. ganyan tlga.. lalo na ngayon na napakahirap maghanap ng trabaho sa bansang ito.. hay ewan
 
Post a Comment

<< Home

[[*KNOW ME*]]


Name:Caloi Suzara
Bdae:Oct. 15
Nicks:Caloi
Skool:San Beda College Alabang
Contact:...

[[* LIFE IN MUSIC *]]


Artist: The Bystanders
Song:

//visit Iwebmusic for music

[[* PAST ENTRIES *]]

|October 2004|November 2004|December 2004|January 2005|February 2005|March 2005|April 2005|May 2005|June 2005|July 2005|August 2005|September 2005|March 2006|April 2006|November 2006|December 2006|January 2007|June 2009|July 2009

[[* LINX *]]

| VAL |
| PIA |
| GOKS |
| BART |
| DANE |
| KC |
| BENIGS |
| NOY |
| MIKE |
| DENEB |
| DEBBIE |
| DEXTROSE |
| BULITAS |
| HOGI |
| AENU |
| JERI |
| KENG |
| JOHN |
| PAM |
| TON |
| JC |
| RA |




VANITY


[[*TALK to ME*]]



KaPoWE mE!


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com