Friday, July 15, 2005
[[Kagulo...]]
bakit sa tuwing wla kang magawa at wala kang makasama kay rami mong naiisip?! Di ka mapirmi. Di mapigilan ang utak mo sa kakalipad sa ibat ibang tao, pangyayari at mga isyu...
ngayon eto ako sa isa sa mga napaka-boring kong araw. Walang makasama sapagkat lhat ay may klase... walang magawa sapagkat wala namang kailangang gawin.. at pinakamasakit sa lahat ay walang matambayan kaya ito nakatunganga sa harap ng computer sa library. Pathetic noh? kawawang carlo
Ngunit sa kabilang dako, ito yung mga pagkakataon na akoy nakakapagsarili at napapaisip sa mga bagay na dapat lang pagisipan.
Kamusta na kaya ang mga kaibigan kong di ko na nakikita. its been so many months nung huli ko silang nkasama at nakausap.Kasalanan ko ba na wala akong gaanong panahon sa kanila?! kasalanan ko ba na kapag silay nagyaya ay hindi talaga ako pinagbibigyan ng pagkakataon?! Palaisipan na lng ito siguro.
Kakayanin ko kayang magtapos sa darating na Marso?! At the rate i am going parang wala ata akong pag-asa. Tinatamaan na naman ako ng katamaran sa pagaaral. Alam ko naman na kailangan talagang magsipag at magpursige ngunit bakit parang di ko magawa.. Only time will tell kung ano talaga ang balak ko gawin sa buhay ko.
Ano nga ba ang ihahain sa harapan ko para sa kinabukasan? Ang dami kong gustong gawin at marating na di ko na alam tuloy kung ano dun ang dapat kong i-prioritize..haaaayyyy..kay raming pagpipilian... magagawa ko kaya miski man lang isa sa mga nais ko?!
Bkit nga ba ako nandito?! bakit parang di ako makuntento... There is something in me that seems to want more out of life.. out of my life.. Is there anything wrong with that?! Should I be contented with what I have or should I strive and seek for more?!
Am i talking shit again?! I guess I am... hmmm... I know Im not.. :) confusing noh.. well ganyan tlga ako.. lalo na kung walang magawa. At ganyan tlga ang buhay. Punong-puno ng palaisipan.. puno ng misteryo..
Confusion sets in...
[[ Caloi shed the truth... ]]*|1:10 PM|