Wednesday, March 09, 2005

[[ SIGAW ]]


Nangungusap ang matang
di naman makakita
Pilit itinatago
ang kadiliman ng liwanag
Di maisiwalat
ang kaloobang tila ata
ay di na sisigaw pa
Bulong ng ulap
na wariy nagbabadya
ng buhos ng kahapon
ay tila dumadampi na
sa aking pandinig
Di na makapagsalita
pagkat pilit pinipigil
ng galaw ng tao
Sa isang iglap
ang panaginip ng bukas
ay unti unting
nagiging bakas na lamang
sa aking tuyong palad
Karanasay di na matanto
Kinabukasay di marating
Pilit hinihila
ng kadena ng nakalipas
Ano na ang dahilan
Saan na tutungo
ang gabing di na makakakita
ng anumang liwanag
ng buwan
Ano pang madadatnan
ng araw na kailan may
di na lulubog pa
Sa sawing dapithapon
ay nagpapaalam
ang mga kamay
na dinungisan na
ng pagkakataon
Kailan pa
Darating pa ba
Pakikinggan mo ba
ang sigaw ng paligid.


COMMENT NMN KAU GUYS ABOUT MY WORKS! THANKS :)

[[ Caloi shed the truth... ]]*|9:36 AM|

Comments:

Sigaw.. pakiramdam ko gusto mong sumigaw pero tila yatang hindi ito marinig ng nakararami...
Mga hinaing sa mga bagay-bagay pilit na sinisigaw pero binubulong ng papigil ng tadhana. bakit kaia?
 
Post a Comment

<< Home

[[*KNOW ME*]]


Name:Caloi Suzara
Bdae:Oct. 15
Nicks:Caloi
Skool:San Beda College Alabang
Contact:...

[[* LIFE IN MUSIC *]]


Artist: The Bystanders
Song:

//visit Iwebmusic for music

[[* PAST ENTRIES *]]

|October 2004|November 2004|December 2004|January 2005|February 2005|March 2005|April 2005|May 2005|June 2005|July 2005|August 2005|September 2005|March 2006|April 2006|November 2006|December 2006|January 2007|June 2009|July 2009

[[* LINX *]]

| VAL |
| PIA |
| GOKS |
| BART |
| DANE |
| KC |
| BENIGS |
| NOY |
| MIKE |
| DENEB |
| DEBBIE |
| DEXTROSE |
| BULITAS |
| HOGI |
| AENU |
| JERI |
| KENG |
| JOHN |
| PAM |
| TON |
| JC |
| RA |




VANITY


[[*TALK to ME*]]



KaPoWE mE!


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com